top of page
Search

One Man Can Change The World

  • Writer: Nok Tayag
    Nok Tayag
  • May 19, 2022
  • 5 min read

They used to tell me

I hope you learn to make it on your own

And if you love yourself just know you'll never be alone

I hope that you get everything you want and that you chose

I hope that it's the realest thing that you ever know

Hope you get the pretty girls, that's pretty and everything

Million dollar cribs havin' million dollar dreams

And when you get it all just remember one thing

Remember one thing

That one man could change the world

  • Big Sean, One Man Can Change The World



—-------------------------------


Nung umalis ako sa UST para pumasok sa Ateneo, sa totoo lang, hindi ko naramdaman na mag-isa ako. Lahat ng sulat pati well-wishes ng mga kaibigan, naging kaibigan, minsang nakaaway, minsang nagustuhan – lahat sinasabi na marami akong magagawa na mabuti.


Pumasok ako sa Ateneo na nakaramdam na mag-isa ako. Oo, malayo ako sa mga kapatid ko, sa mga naging kaibigan ko. Naaalala ko sa unang 3-4 months ko sa Ateneo, lagi kong pinipilit matapos agad sa klase para makasakay sa LRT 2 - Katipunan - Legarda - Tricycle pa-Espana - Main Building para lang maantay matapos klase ng mga kaibigan ko sa AMV. Pero pagkatapos rin non, sa dami ng demands ng klase, sa dami ng nangyayari na gusto ko rin maranasan, hindi ko na rin nagawa ‘yon.


Sa pagbabalik-tanaw, sumasama ang loob ko na ‘yung mga tao na nagbigay sakin ng suporta, ng lakas, naiwan ko at some point. Sige, sabihin na natin bahagi ng buhay na makakilala ng bago na mga tao parati, pero hindi mo rin masabi na pwede mo nalang basta-basta iwan ‘yung mga mapalaki mo na at napatubong pagkakaibigan para lang sa bago.


—--


Aaminin ko na kahit kailan (sa naaalala ko), hinding-hinding-hindi ko minahal ang sarili ko. Sinusubukan ko, promise. At kilala ko naman sarili ko. Pero sa pagkakataon na nais ko nang gumawa ng desisyon na para sa sarili ko, parati akong makakaramdam ng pagsisisi, na sana di ko nalang ginawa ‘yon, na sana nakinig pa ako lalo.


Parati kong nararamdaman na mag-isa ako. Hindi sa pagpapaawa, pero kahit pa marami akong kasama, maraming kaibigan na nakakasalamuha nang maayos, sa dulo lagi kong naiisip na hindi naman talaga ako tunay na bahagi ng iba – sa dulo mayroon akong sarili na inilalahad lang sa iba. Ang weird nga, sabi ko kasi na goal ko sa buhay na iwan ‘yung bahagi ng puso/kaluluwa/sarili ko para masabi ko na bahagi ako nang lahat.


‘Yun na rin siguro dahilan kung bakit pakiramdam ko parati akong mag-isa. Sa pag-iwan ng bahagi sa isang lugar, mayroong puwang na hindi nalalamnan. Kumbaga Ship of Theseus, pero kahit pa piliting kong baklasin at buuin ang bawat bahagi, pakiramdam ko hindi ako isa, kung hindi nag-iisa.



Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng kaibigan, nagustuhan, at hindi na kinausap na nag-alala sakin at naghangad na magiging mahusay akong tao. Pinipilit kong gawin ‘yon, at sa totoo lang, hindi ko sinasabi na hindi ako magiging ganoon, kasi pag sinabi kong “hindi po ako naging mahusay na tao/estudyante/mamamayan”, pagtataksil lang ‘yon sa mga pinangarap niyo sakin.


Humihingi ako ng tawag kasi hindi ko naipapakita sa inyo kung gaano na kalayo ang narating ko, kung meron man. Gawa na rin siguro na masyado akong nagawi sa pag-iisip na tumingin lang sa daan pahakbang. Alam ko na maayos ang buhay ng iba, ang iba marahil hindi. Pero salamat kasi sa kaunting kabutihan, salita, o paghahangad niyo nang mabuti sakin, nagkaroon ng magandang kahihinatnan buhay ko kahit papaano. Pasensya na. Hindi ko alam kung mapasasalamatan ko kayo isa-isa at makakamusta, pero susubukan ko. Salamat at pasensya.


—---


Sinasabi ng lahat bago ako pumasok sa Ateneo na magiging magaling raw ako, Summa Cum Laude, Awardee, nananalo ng maraming awards, etc. Alam ko naman na kung titingnan ang totoo, hindi ko makukuha mga ‘yon, pero nananatiling bukas siya, syempre.


Sa unang tatlong taon, pagkawag at paglangoy pasalungat sa alon ang ginawa ko. Ang sakit maramdaman na ang tanga mo, na kahit akong pag-untog mo sa ulo hindi mo mahanap sagot, na malaman na kinabukasan pwedeng last day mo na.


Sa pagbabalik-tanaw, oo, pinili at pipiliin ko pa rin lahat ‘yon, pero may nagsasabi sa akin na hindi ko ginawa lahat nang makakaya ko. Hindi ko nakuha lahat. Kung magpapakatotoo lang, wala akong nakuha sa nabanggit sa taas.


—--


Sinabi ni Soren Kierkegaard na “to dare is to lose one’s footing momentarily; not to dare is to lose oneself.”


Sinabi ni Justice Fernandez sa Bar Boys (2017) na buhat kay Reiner Maria Rilke na “The purpose of life is to be defeated by greater and greater things. Kung hindi ka natatalo, hindi ka gumagalaw.”


Sinabi ni Friedrich Nietzsche na “one must have chaos in one’s self in order to give birth to a dancing star.”


Pilit kong hinahanapan ng katuturan at kahulugan ‘yung mga desisyon ko sa nakalipas na tatlo, apat na taon sa mga quotes na ‘yan. (Sorry sa binigyan ko ng INTACT talk, magtutunog hypocrite ako dito) pero sa sarili ko, nararamdaman ko marami akong dapat ginawang iba. Na hindi naman risk yung iba – tanga lang ako. Na hindi ko naman talaga kinailangan matalo nang ilang beses para matuto sa bagay na to – isang beses lang. I did not have to delve into such chaos with my own life, own choices, and own sanity to at least build something gleaming.


Maraming mali. Maraming pagsisisi. Hindi ko nakuha lahat, pero pinili ko sila. ‘Yun ‘yung totoo. Wala na akong magagawa.


—-


Noong OrSem, pinagsulat kami ng liham para sa future self namin (ewan ko kung bago mag-graduate dapat buksan pero nabuksan ko na last year HAHAHAHA)


Nakalagay sa dulo “Jowa sir”


Haha.


Sa apat na taon, sumubok ako (alam ng lahat yan lalo na sa course ko), pero walang nangyari.


Tapos na ko sa punto na gusto ko kaawaan sarili ko, pero hindi mawala sa isip ko na mayroong kulang sa buhay ko.


At hindi lang ‘yon, marami akong gusto sa buhay (tawagin mo nang maluho sige pero wala naman ako pera kaya balance lang). Bagong rig, bagong lugar, bagong environment. Sa marami, masasabing makasarili ako pati hindi nakukuntento kasi hindi naman ako nahihirapan hindi tulad ng iba. Naiintindihan ko ‘yon. Naiintindihan ko rin na nasa lugar ako ng pribilehiyo kaya nagagawa kong maghangad ng bagay na higit pa sa pangangailangan ko. Pero sa dami ng bagay na naganap sa buhay ko, parehong alam at di alam ng mga tao (maraming hindi alam mga tao kahit na pala-kwento ako), pakiramdam ko utang ko na sa sarili ko na makuha ‘yung iba-ibang bagay na ‘to lalo na hindi ko nagagawang masikmurang unahin sarili ko.


Mahirap maramdaman maging makasarili, na isarado kahit saglit ‘yung isang bahagi ng pagkatao mo para sa isang desisyon. Pero sa totoo lang, hindi ko alam itatagal ko kung hindi ko gagawin para sa sarili ko ‘to. Sorry magulo, pero sabihin nating utang ko sa sarili ko ‘to.



—--


Ang layo ko pa. Sobrang layo ko pa.


Hindi ko magawang masabi na nabago ko ang mundo, gayong di ko mabago sarili ko, hindi ko mabago mga nasira kong pagkakaibigan, at hindi ko matuwid ‘yung ibang desisyon ko.


Masakit pero tanggap ko na marahil papasok akong graduation na maraming pagkakamali, hindi natuto, at walang ambag sa mundo.


Pero pipilitin ko na iwan pagkatapos. ‘Yung insecurities, ‘yung pakiramdam na marami kang hindi magandang desisyon (syempre hindi nakakalimot sa maling ginawa, dapat pinagbabayaran yon).


Sinabi ng kaibigan ko kamakailan na nagsusulat rin siya para makalimot sa mga bagay-bagay.


Iniaalay ko itong pinagtagpi-tagpi, maingay, at pretentious na akda para sa pagkalimot sa bahaging ito, at sa pag gunita nito sa panahong nabago ko na ang mundo.



051922


 
 
 

Recent Posts

See All
Support Main

I loved playing games up until now. From the early days of O2Jam and Flyff, to Grand Chase, Dragonica, Dragon Nest, League, DOTA, ML,...

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

©2020 by The Coop. Proudly created with Wix.com

bottom of page