Limang Bagay na Natutunan ko sa 2019
- Nok Tayag
- Oct 24, 2020
- 3 min read
May nakita akong post noon na nakalagay, “Can we admit that 2019 destroyed us a little”. Parang ganon. Dahil certified na meme-lord ako, syempre shinare ko ‘yon. Ngayon na ginagawa ko ‘to, napaisip nga ako roon. Totoo na sinira tayo nang kaunti ng taon na ‘to.
Gaya ng ibang taon, soooooooooooooooobrang daming nangyari ngayong taon. Sa lahat, lalo na rin sa akin. Ito ‘yung taon na sinubukan kong tumalon. Tumalon ako sa basketball kasi malapit ako sa paint, tumalon ako at sumugal para tumakbo sa posisyon na ‘di ko alam kung nagagawa ko ba nang mabuti, at tumalon para sa pagkakataon na magmahal. Alam naman na kung alin diyan yung mga sablay.
Hindi ko na ililista lahat ng nangyari sa taon na ‘to, ‘di na rin ako gagawa ng tula para pa-dramahin pa, kaya lilista ko nalang lahat ng natutunan ko sa taon na ‘to para alam ng matandang sarili ko kung ano ‘yung mga kalokohan ko ngayong taon:
Hindi lahat ng sayaw ay kailangan sayawin ng dalawang tao. ‘Di ako CADSter, pero alam ko na maraming sayaw na pwede mo naman sayawin mag-isa. At kung ‘yung pinapangarap mong makapartner sa sayaw may kasayaw na, maging masaya ka para sa kanila kasi dati rin silang sumasayaw mag-isa at nahanap nila ang isa’t-isa. Hintayin mo ‘yung sayo, darating rin ‘yon.
Hindi maling magsugal. Medyo bawal magsugal ng 500 para sa Milwaukee Bucks, pero hindi mali ang pagsugal sa gusto mong ipaglaban. Kahit pa alam mo na magiging mahirap kapag nagkamali ka sa trabaho, pag pakiramdam mo na hindi mo nagagawa ‘yung best mo, o kung basted ka nanananananaman, hindi mali ang pagsugal. Sabi nga doon sa tweet nung fake na Chito Miranda account, “Blessing kung panalo, lesson learned kung talo.” At kung lesson ang nakuha mo, tanggapin mong blessing yon.
Hindi mo lagi makukuha ‘yung sagot na hinahanap mo. Hindi na matino kausap mga tao e. ‘Pag tinanong mo kung saan nakatira sasagutin nila, “diyan lang.” Badtrip ‘di ba. Pero malalaman natin na hindi sa lahat ng oras makukuha natin ‘yung sagot na hinahanap natin. Mababaliw tayo kasi hindi natin nakuha ‘yung mga sagot na hinahanap natin, pero lalabas pa rin ‘yung katotohanan na ‘yon. Anong gagawin mo doon? Pwedeng hanapin mo ‘yung sagot sa kahit anong paraan na gusto mo, pero baka lalo ka lang maging miserable. Pwede rin naman na tanggapin mo na hindi mo makukuha ‘yung sagot, at kung makuha mo man, ‘yun na ‘yun. Alam ko ‘yung pangalawang option mukhang pagsuko siya sa matagal mo na hinihintay. Pero sa lahat ba ng oras ang paghahanap sa sagot ang tanging sagot? Wooo deep
Malaking tulong ang pag-iyak at pagmumuni-muni. Kung umiiyak ka habang nakikinig sa Munimuni, ayos lang rin (Stream “Sa Hindi Pag-Alala” hehe) pero naging malaking tulong para sakin ‘yung paglakad sa Gesu tuwing 7:30 pati pag-iyak na rin paminsan-minsan. Mahirap ‘tong buhay na ‘to, at kailangan natin ‘yung mga moments na tao tayo. Kaya siguro kailangan rin natin ‘to. Kung nababasa mo ‘to, kung sino ka man, kung pakiramdam mo na medyo nakakain na ‘yung diwa pati kaluluwa mo sa mga nangyayari sa buhay mo, baka makatulong yung kahit 30 minutes lang na paglalakad o pag-iyak. Hindi tanda ng kahinaan ‘yan, maniwala ka. :)
Malaki ang nagagawa ng pagpapatawad. ‘Pag tumawad ka, may discount ka. ‘Pag sinabihan mo ng patawad ‘yung mga nagcacaroling, titigil silang kumanta agad. Katulad ng mga blessings na ‘yan, malaki ang mabibigay ng pagpapatawad. Hindi lang pagpapatawad sa iba, kundi pagpapatawad rin sa sarili mo. Sa taon na ‘to, siguro marami kang gustong gawin pati gustong makuha. Kung hindi mo man nakuha kahit alin sa mga ‘yan, patawarin mo sarili mo. Minsan, malapit na tayo, pero hindi pa rin natin nakuha. Patawarin mo ang sarili mo. Ginawa mo lahat ng makakaya mo, at doon pa lang, blessing na ‘yon. At siguradong sa pagpapatawad mo, mayroon pang darating sa iyo na mas malaki, mas mabuti, at mas masaya.
Ginawa kong comedy ‘tong year-end reflection ko, pero gusto ko lang sabihin na masaya ako sa taon na ‘to kasi kahit na napakarami kong pagkakamali pati pagkukulang, naging sobrang maintindihin ‘yung mga tao sa paligid ko, kaya gusto ko na maging mas maayos pa sa susunod na taon.
20/20 vision tayo ngayong 2020 haha lesgooooooooooooooooooo
12/31/19


Comments